Museo De Integridad Experience
MUSEO DE INTEGRIDAD
Experience Blog by Edward Drew
Noong nakaraang Oktubre 11, 2024, ipinakita ng mga estudyante ng Grade 8 Integrity ang isang museum exhibit ng mga interesanteng bagay na gusto nilang ipakita sa buong Junior High School department. Ang unang impresyon ko sa museo ay maganda. Ngunit pagkatapos pumasok at makita ang mga bagay na naka-display, napalitan ito ng pagkadismaya dahil wala ni isa man lang na maayos na nag-explain para sa bawat item. Bagama’t interesante ang mga bagay, lalo na ang mga lumang teknolohiya, dahil nagbigay ito ng pakiramdam ng nostalgia.
This is me standing by the old tech
Ang mga lumang gadgets na naka-display ay ang tanging bagay na nagbigay ng tunay na museum vibe sa buong exhibit. Interesante ang ipinakita nilang pag-evolve ng mga game console. Ang Game Boy at PSP ay mga bagay na talagang ikinatuwa kong makita dahil bihira na silang makita ngayon, at nagdala sila ng rebolusyon sa maagang yugto ng industriya ng gaming.
May malaking display ng lumang barya sa museo, kahit na walang nag-explain sa amin tungkol sa kasaysayan ng mga barya. Pero kahit papaano, interesanteng makita sila nang personal. Sinubukan ni Jude na magpaliwanag, ngunit dapat sana'y ang may-ari ng mga barya ang siyang mag-explain..
Mayroon ding exhibit ng Hot Wheels collection ang museo, na maganda ang pagkaka-display, ngunit ang mga kotse na ginamit ay bago at walang impormasyon tungkol sa kanila. Ginawa lang itong parang showcase. Bagama’t simple, natuwa ako dahil naalala ko ang aking pagkabata noong mahilig akong maglaro ng Hot Wheels..
Sa kabuuan, mas maayos sana ang Grade 8 Museum Exhibit ngayong taon kung mas maganda ang pagkakamanage at kung may tamang tao na naka-assign para mag-explain sa museo. Halos walang tao na nag-explain tungkol sa mga naka-display, at hindi rin inaalala ng guwardya kung hinahawakan ng mga bisita ang mga exhibit kahit may mga babala. Bibigyan ko ito ng 5/10 dahil marami silang potensyal na mas mapaganda pa ito. Sa kabila ng lahat, na-enjoy ko pa rin ang aking pagbisita sa Museo De Integridad
Comments
Post a Comment